Wednesday, January 11, 2012

January 11, 2012 ng Hapon

Alam mo ba kanina, pagkatapos ng klase ko, dumiretso ako sa CR, sinundan ako ni Jerome. Sabi niya sinusungitan daw siya ni  Chelsea. Kahapon pa.

Sa totoo lang ayoko na makinig sa kanya, ayoko na nagsasabi siya saakin ng mga problema niya kay Chelsea kasi nakokonsensya ako. Gusto kong isigaw na "Kung nagsasawa ka na sa kanya, ibigay mo na siya sa akin." Pero hindi eh. Nakokonsensya ako, though sabi ni Christine wala naman daw akong ginagawang masama lalo na't hindi ko inaano ang relasyon nila. Ang hirap. Ang sakit.

After Chelsea's birthday, pagdating ko dito sa bahay eh broken ako. Hanggang kinabukasan. Napakahirap talaga. Tapos nahalata pa ni Kerline at ni Aly na problemado ako or wala sa mood or something. Alam mo ba na sina Chelsea at Jerome una ko nakita sa classroom that day? Ngumiti pa sila sa akin, I gave a weak smile pero sa totoo lang nakokonsensya ako pag gumagawa sila ng mabuti sa akin, o ipinapakita nila na pinagkakatiwalaan nila ako, yun ang worst! Yung pinagkakatiwalaan ka nila pero sa totoo lang may hidden secret ka about sa kanila.

I need someone to save me from this mad situation.

No comments:

Post a Comment