Saturday, January 7, 2012

January 8,2012 ng Umaga

Andito pa ako sa apartment, di pa nakaligo't nakabihis despite the fact na kailangan ko umalis. Debut ni Chelsea at pupunta kami.

Alam mo, simula nang sinubukan kong kalimutan ka, siya lang yung babaeng minahal ko. Hindi ko masasabing yung feelings ko sayo noon ay higit sa feeling ko ngayon para sa kanya. Pero alam mo ba na mas mahirap ang sitwasyon ko ngayon sa kanya. Hindi lang siya basta babaeng nakilala ko, hindi lang siya basta isang close friend, siya ang girlfriend ni Jerome, isa sa mga best friends ko ngayong college.

Heto na naman ako no? Nagkakagusto na naman ako sa babaeng hindi available, at sa girlfriend pa ng best friend ko. Tinatanong ako ni Gehla kung may kirot ba kung nakikitan ko silang magkasama at sweet sa isa't isa. Hindi naman maaalis yun, pero hindi ganun kaover whelming kasi tanggap ko naman yung reality. Tinatanong din nila ako kung minsan ba naiiimagine ko na ako ang nasa pwesto ni Jerome, minsan oo.

Hindi ko masabi na fully recovered na ako sayo, kasi sa totoo lang gusto pa kita. May kirot parin sa tuwing naiisip kita eh. Bakit ba kasi hindi nalang ako a year or more older than you, baka sakaling nagustuhan mo ako. Bakit kasi sa mas matanda ka nagkakagusto. Kung mahal mo sana ako, tayo sana ngayon. Pero wala eh, hindi ko naman mababago ang nararamdaman mo. Mahal na mahal padin kita. Pero natutunan ko nalang huwag pansinin yon.

Sana, dumating yung panahong pagnaalala ko ito, matatawa lang ako.

No comments:

Post a Comment