Wednesday, March 30, 2011

March 30, 2011 ng Gabi

Nakakapagod ang araw na to, natuloy na ang pagpapagupit ko. Hindi ko nakuha mga libro ko kay Carolyn, bakit kasi napakaburara niya.

Kanina, habang nagtutumblr ko, may narealize ako habang nababasa ko ang mga post doon. Kung hindi ko sasabihin sayo ng diretso na mahal kita, habang buhay kong iisipin at tatanungin sa sarili ko kung ano ang pwedeng mangyari. Pero alam ko naman ang ending eh, kahit hindi pa nangyayari. May boy friend ka, alam kong walang happy ending sa kwento nating ito. But at least kung gagawin ko wala akong pagsisisihan right? Pero paano ko uumpisahan, if inuunahan ako ng takot? Paano ko sasabihin sa yo ang totoo if hindi ka naman nakikinig, if may ilangang namumuo o nabuo sa pagitan natin. Sana pwede kitang kalimutan, sana makalimutan ko ang nakaraan ko para hindi kita maalala, para makalimutan ko ang sakit. Gusto kong magsimula ulit, pero hindi ko na magagawa yun. Mahal kita Cheska, it's hard to hold on to nothing.

Kung sasabihin ko sayo ang feelings ko sayo bukas, hindi ako magsisisi kung ano man ang reaction mo. Pero natatakot ako sayo, hindi ko alam if makikinig ka, natatakit ako sa sarili ko, hindi ko alam if masasabi ko ba. Minahal kita, mahal na mahal kita. Binago ko ang lahat ng kaya kong baguhin sa sarili ko dahil sayo. Pinilit kitang kalimutan pero hindi ko kaya, masiya do kitang mahal para ganun lang kalimutan. It will take a lifetime para makaget over ako sayo, ang my ending is near. I'll start over, without you. I want you to be there with me, pero hindi na, malayo na. Malabo na ang future na pinangarap ko, hindi na pwedeng tayo.

Pero mahal kita Paps. Pakatandaan mo, may puwang ka sa puso ko. Hindi ko makakalimutan ang isang babaeng minahal ko ng lubusan.

Tuesday, March 29, 2011

March 29, 2011 ng Gabi

Nakakapagod ang araw na ito Paps. Pero napasaya mo ako nung ngumiti ka nung kinausap ko kayo. Medyo stress ang araw na ito kasi pagod ako pero kailangan kong gawin yung invitation ng coronation night nina mama at inuubo ka ako. Grabe na to.

Napapirmahan ko na ang lahat sa clearance ko. Ikaw? Bakit kasi hindi ka pumasok nung hapon? Ay oo nga pala, birthday ng ate mo. Sinong ate mo nga pala yun? Anyways, nakakatampo kasi hindi ka nagbigay ng picture sa akin, yan, nagstat ulit ako. Pero buburahin ko din mamaya. Haha. Patama sayo eh "Nakakatampo, hindi man lang niya ako binigyan ng picture niya. Buti pa yung Best Friend niya... kasad. Ok lang. Madami siyang stolen picts sa akin" Yan yung stat kp. Peo baka magalit ka ulit. Haha,


Sasama ka ba kina Ate Carol bukas? Ako kasi oo. Kukunin ko na din yung bear, Heart Over Matter at Tom Sawyer na matagal ko nang pinahiram sa kanya.


Kanina pala nung nagpapirma kami sa English, grabe, busy sila. Pinilit lang namin silang pirmahan ang clearance namin. Muntik na nga silang mabuwisit sa amin. Buti hindi natuluyan. Blowout mo ngay? Haha. Sama ako, pwede? Sige wag nalang, nahihiya pa ako sayo eh.


Gusto kong magtext tonight, wala namana kong load. Nagpapaload ako sa Tita ko, hindi pa naman dumarating, baka nakatulog na. Grabe ang kati parin ng lalamunan ko. Ngayong gabi ko na din sana uumpisahan ang pagganti sa Ohh Ang, pero wag nalang. Ang babaw lang naman eh, hindi ako member ng group, ok lang. Tulad nga ng sabi ko sa status ko kanina, revenge are for those "LOSERS" who can't move on, they can burn down in hell or freeze up north, and I'll be happy and free.


Sabi ni Jonel, "Lahat naman tayo member dun eh," well hindi, kasi ako tinanggal nila. Wala na akong pakialam, dati nanghihinayang ako at tinatanong ko sarili ko "bakit kaya?" now hindi na. Bahala sila. At least ako walang kinakawawang classmate. Isinasama ko sila sa mga ginagawa kong article or kung ano man ang tawag mo dun, I include them on the movies I create, pag wala sila, "bakit walang ohh ang," bakit sila ba isinasama nila lahat sa ginagawa nila? If yung kay Eljesson ang issue nila, bakit ba? Barkada nga sila pero wala sila pakialam. Sinimulan si Eljesson, pinagbayad ko lang siya sa kagaguhan niya, so wala akong nararamdamang pagsisisi sa ginawa ko. Pasalamat nga siya hindi hinayaan ni papa na bugbugin siya ng papa niya sa harap ng maraming tao.


Ohh Ang thinks they're so special, they're just a bunch of stupid bunch of freaks, isang bading, isang abnormal, isang pandak, isang dnacer na bading na ewan, isang tahimik na nasa loob ng kabwisitan, at kung anu-ano pa.


Si Jesila naman! Lumalandi lalo. Animal! Nakipagdate sa boy friend niya sa SM while ang nagpapapirma ng clearance niya eh si Mylene. Inaabuso nila masiyado si Mylene. Hindi dapat ganun. Dapat kasi si Mylene matutong lumaban. Tapos sabi pa ni Divina "Siyempre ta kaibigan niya eh di ibibigay niya kay Mylene," duh! If kaibigan niya si Mylene, hindi niya aabusuhin ang kabaitan ni Mylene. Alam na niyang ganun si Mylene na madaling pakiusapan, oo ng oo, at (I don't want to say this but I have to kasi totoo) utouto. Hay naku, kung ako si Mylene, isasampal ko kay Jesila ang clearance niyang walang pirma at sasabihing "Yan ang bunga ng pakikipagdate mo." Tama si Geena(kung tama ang nagets ko sa sinabi niya na tumugma sa iniisip ko), soon or hindi malayong mabubuntis si Jesila. Animal, kung sino pa ang pangit siya pang malandi! Kaibigan ko si Jesila pero pasensyahan, dito ko lang sasabihin ang mga ito, kaisa naman sabihin ko ng harapan kay Jesila baka mag-away pa kami. Pero kung malaman man niya na ganito tingin ko, or maybe, ng iba na din eh sana intindihin niyang concern kami sa kanya at malaman niya kung gaano siya kabitch.

Monday, March 28, 2011

March 28, 2011 ng Takipsilim

Kagagaling ko lang sa bayan. Katatapos lang ng magulo, masaya at nakakakilig na araw ko.

You made it! Nagpunta ka dito at hindi ko pa kailangang pilitin ka. Salamat Paps, salamat at nagpunta ka. Akala ko nga hindi ka na tutuloy. Hindi kita kinakausap, yun pala hinihintay mo lang akong kibuin ka. Ang sarap ng feeling nung sinabi mong "Salamat Charles," not because you said thank you, but for the first time in weeks, you talked to me. I so love it. Tinatawanan nga ako nina Mylene nung nakaalis na kayo, kasi kilig na kilig ako. I so love that moment. I love this day. You made it so special talaga.

Pinatapos namin ang 2012 dito sa bahay. Naglakad kami papuntang bayan kanina, nahihiya ako nung pinaalis namin si Kuya Choy, kasi siyempre nandito na siya. Pero ang saya nung naglakad kami. Masaya ang day na ito, kahit walang video oke okay lang. Talagang ininom niyo yung wine na mabaho ah. Uminom ka ba nun? Hala, sana hindi. Uy salamat talaga ha! Salamat at hindi mo ako binigo, I gave up my hope na kasi na pupunta ka sa blowout na to, pupunta ka rin pala. Salamat talaga Paps, salamat talaga Cheska. You gave me another reason para mahalin ka. I love you more than yesterday! Muwah. Sige ah, pagod ako.

Sunday, March 27, 2011

March 27, 2011 ng Gabi

Gabi na Paps, may pasok pa bukas pero hindi pa ako natutulog. Bukas na din ang blowout ko. Sana talaga pumunta ka. Inaasahan kita. Lumiban na ang lahat wag lang ikaw, ikaw ang pinakamahalaga bukas. Ikaw Cheska. Medyo tense ako kasi hindi ko alam sasabihin nila dito sa house namin. Ano kaya papaoorin natin bukas? A Walk to Remember? Wala kasi yung CD ko ng Exorcism of Emily Rose at 300 eh. Boring naman sa umpisa ang Troy. Robots, napanood na natin yun.

Nagpabunot na ako, grabe ang sakit kanina, ngayon masakit parin kung lulunok ako. Hopefully bukas wala na. Sana lang. Pero Medyo nasasanay na ako na hindi ngumuya ng food. Maybe napadali kasi 70% ng dinner ko eh sabaw ng sinigang na isda. Lumulutang sa sabaw ang kanin para diretso lunok. Haha. Ayos lang sa akin ang pagtangal ng ngipin, kaso medyo mahirap, at ang ayoko eh yung pagsaksak ng anesthesia. Ayoko sa feeling ng tinutusok ng karayum ang gum ko eh. Sakit ng bagang ko ngayon. Parang mas masakit ito kesa dun sa last week. Mas madugo yata ngayon. Mahihirapan ako bukas, lalo na next week, haha! Sa harap naman ang matatangalan. Bakit kasi hindi ko inalagaan ang ngipin ko nung bata ako, yan, hirap ako ngayon. Pag nagkaanak na ako, hopefully 10 years from now of fifteen, tayo, hehe, pipilitin ko silang magtoothbrush gabi gabi at may regular dental check up para maalagaan ang teeth at hindi maexperience ko ngayon.

Alam mo kanina, nung tinatanggal ang ngipin ko, ikaw ang nasa isip ko. Ang mukha mo, pictures mo, moments nating magkasama. Siguro para kayanin ko na din ang pagpapabunot. Haha. Hirap na naman ako ngayon, pano pa kaya next week, round three ng pabunot. Haha. Para din naman sa akin ito eh. Kakayanin ko. Sandaling sacrifice din naman ito, pagkatapos I can eat all the foods I want, back to normal na. Pero pano magiging normal ang lahat gayong malapit na ang katapusan? Paps, natatakot ako. I'm afraid na baka magkalayo na tayo ng loob ng tuluyan at hindi na maisalba ang pagkakaibigan natin. Hindi mo lang alam kung gaano ko pinagsisisihan ang lahat ng iyon. Hindi ko kaya ang malayo sayo, kinaya ko noon, hindi ko lang alam if kakayanin kong muli. Sinanay mo akong nandiyan ka, sinanay mo akong kasama ka.

Darating ang panahon Paps, ang panahon kung kelan ready na ako, I'll pursue, not just my dreams, pero siyempre my feelings din sayo. Liligawan kita, at hindi ako titigil hanggat hindi nagiging tayo, at iingatan ko ang relationship natin at papakasal tayo. Alam ko bata pa tayo para isipin ko ang mga ganyang bagay, pero I've seen that day na since I was just a kid. Hehe.

Hindi pa ako nakapagtumblr today, tensed ako eh Papabunot again, tapos ginagawa ko pa yung invitation nina Mama sa graduation ko. Pupunta kaya dito bukas mga relatives ko? Malamang hindi. Dadalhin ko kaya ang mga pinsan ko? Siguro hindi na, baka ma-OP lang sila. Siyempre mahirap kayang mag-asikaso ng mga classmates. Lalo na't madami. Pero if ibibilin ng Mama ko, dadalhin ko na. Pinsan ko parin naman sila after all. Bukas busy na naman ako kasi itatype ko yung invitation ng coronation night nina Mama, at pati yung mga certificates ng mga kung sinu-sino na bisita nila sa graduation nila.

Keep Holding On na talaga ang graduation song natin? Ayoko. Ang daming mas nakakaiyak diyan at mas maganda, bakit yun pa? Epal kasi yung buwisit na Jahaciel na yun. Hay! Ang sarap dukutin ng mata niya. Bitch! Iuwi nalang siya ng mataba at mukhang addict niyang boy friend at ipangkuskos siya sa maitim niyang batok! I hate it!

Tulog na tayo Paps, maaga pa bukas. Ay, tutumblr muna ako.

March 27, 2011 ng Hapon

Saturday, March 26, 2011

March 26, 2011 ng Gabi

Sheila Alyssa Jacalne
Kararating ko lang from Caranglaan and Manambong. Nakakapagod. Kanina sa Garden nina Sheila Alyssa ginamit ko ang aking Photography skills at nagustuhan nila. Sayang at camera ni Sheila Alyssa ang gamit ko, sa Tuesday or Monday ko pa makukuha yung photos. Kumain din kami ng bayabas, sayang at hindi ko makagat kasi yung pasta ko baka matangal. After nun dumeretso kami kina Billy. Sa daan may nasalubong kaming matandang lalaki. Putol ang dalawa niyang binti. Nakaupo siya sa sidecar ng lumang pedicab at walang driver ang bike. Kaawa-awa siya, pero nagawa niyang ngumiti. Tinulungan siya nina Paula, hinatid nila siya sa pinakamalapit na spot sa bahay niya na hindi kami malalayo sa daan. Kina Billy naman, haha. First time, uminom ako ng Emperador Light. Parang bactidol ang lasa. Mapait na mainit. Nung una tinikman ko yung RC na hinaluan ng Empe. Lights, then ininom ko yung isang bottle cap ng purong empe lights, then ready na ako para tumagay. Mainit pa nga rin yata ang iringan ng mga Jacalne at Doro. Talagang parang Kristine
Billy Jake Doro
Series, mala Fortalejo at De Silva ang labanan. Si Sheila kasi hindi na niya kami hinatid kina Billy, mga half way lang. Then nung tinanong kami ng tatay ni Billy if kumain na kami, then we say yes, tinanong niya if kina SK chairman daw which is Sheila Alyssa Jacalne nga. Medyo pabulong pa. Sa totoo lang, ang bitter ng mga Doro, ang liit na bagay ng pinagmulan ng gulo, dahil lang sa tinalo ni Sheila si Billy. Bitterness! Nadiscover ko din na halos magwala or nagwala si Ralph dun kina Billy nung malasing. Pinaalalahanan kasi kami ng tatay ni Billy nung nagstart kaming uminom ng empe lights.

Nung inabot sakin yung baso nina Clarissa, tumingin ako kay Mylene. Umiling siya, ayaw niya akong uminom. Concern lang siguro siya. But I still drank the alcohol, hindi naman ako tinamaan. Then nung pauwi na kami, nilakad namin hanggang Ataynan. Sa daan, loko sina Jesus, pumipitas sila ng Mangga, Bayabas at hilaw na bunga ng malunggay. Lakad kami ng lakad hanggang makahanap kami ng Tricycle na sasakyan.

Dumeretso kami sa Manambong, sa taas ako ng tricycle. Ang tagal kong hindi nadaanan yung papuntang Manambong, kahit diyan banda kina Ralph na malapit lang naman sa amin. Ang lamig sa daan, nakita ko din yung dating school where nagtuturo ang mama ko. Nakakamiss din pala ang school na yun. Nasaksihan nun ang paglaki ko. Sayang at hinding hindi na ako muling makatutungtung sa paaralang iyon. Napakaraming kwento doon ng buhay ko, mga experience, mga naging kaibigan, at iniukit na alaala. Kahit hindi ako studyante doon, o naging studyante doon, maraming alaala akong iniwan at iniukit sa mga kongkretong pader ng paaralang iyon. Walang masiyadong nagbago, mas malinis lang at may nadagdag na table at bench sa labas, at ang mga upuan sa maliit nilang quadrangle at naayo at napinturahan lahat. Nandoon parin ang mga buildings na naaalala ko. Nakakamiss, iyon parin ang paaralang naaalala ko na nakita, napuntahan, at pinaglagian ng ilang beses ng isang bata, batang ako.

Pagdating kina Michael, sinalubong kami agad ni Auntie Marlyn. Ang bait nila, naaalala talaga nila ako. Alam din nilang 1st time kong pumunta doon. Akala nga daw nila salbahe or suplado ako kaya hindi sila nakikipagchat sa akin. Pero tumawa lang kami kasi hindi naman ako ganoon. Nagvideo oke pa kami, makabagbag damdamin ang moment when Jonel sang "Go the Distance" hindi dahil ang ganda ng rendition niya, but dahil nga nadadala kami ng moment kasi 1 week nalang tayo. After few moments, umuwi din kami agad. Ihinatid kami ni Angelo kasama sina May Gwen, Erick at Paula. Ibinaba pa nila ako dito sa baba, very thoughtful, di ko na kailangang tumakbo sa madilim na daan pauwi.

Sana nagstay pa kami dun at nakipagsayawan pa. Ay nga pala, sa daan pauwi, imbes na idaan kami ni Angelo sa dinaanan namin, idinaan niya kami sa liblib na daan, tapos pinatay pa niya yung headlight eh very spooky kaya yung daan. Tinatakot ko pa nga sina Liberty nun eh. Ang saya promise, namiss niyo ang saya. Pero alam kong nag-enjoy ka sa kung saan ka man kanina. Hindi pa ako nakainom today ng antibiotic, eh dapat in one week 3 times a day akong iinom ng antibiotic.

Ang saya yet nakakapagod ang araw na ito. I swear. Sana lang kasama kita, nasa tabi ko at tumatawa kasama ko.

Friday, March 25, 2011

March 26, 2011 ng Umaga

Tayong dalawa sa Science
Fair sa PSU
Pupunta na kina Sheila Alyssa mamaya. Excited ako na parang tinatamad. Hindi ko alam if tutuloy pa ako. Sa monday pala ha, punta ka dito sa house, pinapaalala ko lang. Blowout din ng pinsan ko ngayon, kasi hindi ako pupunta, dun nalang ako sa friends ko. At isa pa diba pupunta ka din ng Caranglaan, dun ka nga lang sa Kapitan, kina Sheila Alyssa naman kami. Ala una ng hapon ang meeting place kina May Gwen ang pagpunta namin sa Caranglaan.

Katext ko si Andrae ngayon, tinatanong niya if pupunta tayo kina Michael, tayo as in IV-2. Sabi ko baka hindi na. Sabay sabay talaga ang house to house natin, pati sabado may lakad tayo. Haha. Mamimiss ko ang ganito.

Wala na akong ibang maikwento sayo. Wala pa kasing masiyadong nangyayari ngayong araw, kagigising ko lang eh. Magpapabunot na naman at bukas. Nakakainis. Pero ayos na din para matapos ang ang paghihirap. No pain, no gain. After 2 weeks maayos na ang lahat sa akin. Haha. And sayang hindi ko na kayo kasama that time. I'll miss IV-2, I miss spending time with you, I miss being with you, I miss your smile, your tan skin, you eyes, your laugh... I miss you Paps. I love you.

March 25, 2011 ng Umaga

I wake up kanina na wala nang ilaw. Medyo naipsan na yung sakit sa bibig ko. Ang boring dito sa bahay. Parang gusto kong pumasok na hindi. Sabi din kasi ni Ericka na pipirma na si Ma’am Sol ngayon, pero kailangan ng 1 magazine per group. Hindi ko din alam if pumasok ka o hindi, pero kahit ano pa dun sana hindi mo kasama sina Justine. Wag kang sumasama dun, bad influence ang mga yun. Malala pa ang mga yan kina Xiara at Jevena, bithc yung mga yun, sina Justine super bitch. At sabi nga ni Bob Ong pag may ‘super’ na sa word eh pinaka nay un at wala nang tatalo pa.

Stress ang ganito, walang ilaw, walang net at walang tv. Buti na nga lang at may laptop, phone at mp3 akong maaasahan, at kung gumagana lang ang portable ko, eh di sana nanonood din ako ng movie ngayon. Dadalhin daw ako ni mama sa SM mamaya. Balak kong maghanap ng something para sayo, kaso naalala ko, yung pera ko eh ginastos na natin yesterday.

Tayong dalawa sa ICT. Hindi ako
nakauniform that day. Remember?
Gusto kitang makita ngayon, but that’s impossible. Sana pumunta ka dito sa Monday, kasama ng iba nating friends. Kahit pakikisama mo lang at hindi na dahil sa pinagdaanan natin. Hindi ako makapaniwala sa kinahinatnan ng friendship natin na dati eh maayos. Akala ko mananatili yong ganoon hanggang kolehiyo, nangarap lang pala ako sa kawalan. Hindi rin tumagal at ibinuking ako ng sarili kong kagagawan. Sana hindi nalang ako nagtwitter eh di sana okay pa tayo ngayon. Kung hindi ko tinweet ang feelings ko para sayo eh di sana hindi tayo ganito. Mahirap kaya Paps. Mahirap ang malayo sayo, binago mo ang buhay ko, tapos ngayon bigla-bigla nalang kailangan kong bumalik sa dati.

Nakakabaliw ang ganito, nag-eemoe sa hangin. Haha. Ang ginagawa ko lang ay magblog kait walang internet, makinig ng music at magtext. Sana itext mo din ako. Miss ko na yung dating tayo talaga, yung tumatawa ka sa text ko, yung mga punch line niyo ni Nova na “Tatawa na ako?” pag corny ang joke ko... miss ko na ang ganun Paps. Hindi ba pwedeng kahit isang araw lang, kahit isang oras lang na bumalik tayo sa dati. Please? Nahihirapan talaga ako Paps. Kung parusa mo ito sa akin, hindi ako aangal, tatanggapin ko. Grabe kang magparusa, talagang pagsisisihan ng tao ang ginawa niya. Pero kung sulsol ito ng Super Bitch na si Justine at ng Putang si Vincent eh babatukan kita, bakit ka nakikinig sa mga putang inang yun?

March 25, 2011 ng Gabi

Yey, Molding Clay
Napagod ako Paps. Galing kami ng SM. Nakabili na ako ng cord keeper. Bumili na din ako ng bagong earphones at earplug accessories. Naglibot libot na din at bumili kami ng phone. Xperia yung kay Mama ko, yung akin Cherry Mobile na touch. Ang pangit. Parang china phone din siya, pero made in the Philippines. Pero okay na din. At least naglevel up kahit .5 lang.

ito yung book
May dapat pa ba akong ikwento? Ay, sasama ka ba kina Sheila Alyssa bukas sa Caranglaan? Pinayagan ako. Kapapaalam ko lang. Ay nga pala, bumuli ako ng molding clay sa bench, parang yung nilalagay ni Tom sa buhok niya, matutuwa si Nova nito. Haha. May nakita na akong "Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan" sa National Book Store. Kaso hindi ko nabili, pati yung gusto kong librong "Para Kay B" may comment sa likod si Boy Abunda, Elly Buendia at iba pang sikat na public figure na maganda daw yun. Mararamdaman mo daw yung pain ng love. Sana nabili ko siya. Maganda ang kwento sabi ni Boy, nakakatawa at hindi mo mabibitawan. Author nun ay si Ricky Lee. I swear if babalik kami sa SM bibilhin ko yun. Kahit hindi kita kasama, kahit hindi ko na kayo makakukwentuhan okay lang, sa puso ko, ikukwento ko sa inyo ang mga nabasa ko. Ganun kayo kaimportante sa akin, ganun kayo kahalaga sa akin.

Sige papahinga na ako. Ay, magtutumblr muna ako.

Thursday, March 24, 2011

March 24, 2011 ng Gabi

Masakit ang ngipin ko, this time sa kabila naman kahit hindi pa nabubunot. Ano ba ito. Hindi ko din alam if papasok pa ako bukas Paps, kakatamad and at the same time si Ma'am Sol lang naman ang pagpapapirmahan ko, next week pa si Ma'am Collado eh. Pero 12 hours na brown out bukas. Kainis talaga. Ang dami pang pinamili nina Mama at Ate, ang sarap kumain, kaso mahirap. Sinabi nila na lagyan ko ng salt ang singaw ko para mawala, tiisin ko lang ang sakit.  Actually ginagawa ko na yun noon pa Paps, kaso akala ko kasi it will just make my singaw worst.

ang comment ni Grace
tinanong ko si Grace if binasa niya, kaya Yhup ang sagot niya
This comment made me smile, hindi ko kasi inaasahang
pupurihin ng isang member ng Ohh Ang:)
Nabasa mo ba yung Note ko about sa section natin? Maganda ba? Sana binasa mo from the first word to the last. Iniyakan kaya nina Grace, Jahaciel at pinuri ni Ralph. Ang daming naglike. Sana binasa mo... Nakita ko nilike mo eh. Natuwa ako nung makita ko sa notifications yun. Sayang hindi ka nagcomment. Datirati, nagcocomment ka sa mga ganyang bagay, ngayon, hindi na. Talagang may sama ka pa ng loob sa akin. Naiintindihan kita, hindi ganun-ganun yun. Lalo na if sinusulsulan ka ng SOB at ng putik na duling na may apat na matang bading na walang hiyang si Vincent. Yun naman, hindi porket kaibigan natin siya it doesn't mean na makialam siya sa problema nating dalawa.

Habang tinatype ko ang blog na ito, half of myself wishes na sana nireblog mo yung blog ko sa tumblr, and half of me says na wag na ako umasa o that's impossible, pwedeng baka si Jahaciel pa, pero ikaw baka hindi. Pero I still hope. Kung pwede lang Paps eh makita mo itong blog na ito, pero bakit ko nga ba sinasabi yan? Hmm... weh. Or sana kahit purihin mo nalang yung post na yun, kahit labag sa loob mo, ngingiti na ako nun. Sana lang napangiti o napaluha kita sa blog na yun. Sana lang... sana lang. I love you.

March 24, 2011 ng Hapon

Tapos na yung date natin nina Nova. Pero ang tahimik mo naman. Akala ko ako lang nakakaramdam ng panlalamig mo, pati pala si Nova, at hindi mo din sinasabi sa kanya kung bakit? Kahit man lang sana si Nova lang kinausap mo or something, kahit hindi mo na ako pinansin okay lang. Ayokong ganyan ka, matamlay. Gusto ko kahit yung parang baliw ka tulad ng dati, tulad nung nag-away kayo ni Ricaredo. Kahit weaird ka nun, mas gusto kong ganun ka.

Nung umalis ka kanina at iniwan kami dun kay Ma'am Tonet, bumalik si Nova. Inutusan niya kaming bumili ng food sa Mcdo. Kung hindi kami bibili hindi niya ibabalik yung clearance ni Mary Joy. Haha. Tapos pinaglilihian niya yung ilong ni Nova kahit malapit na ang kabuwanan niya. Pinapapasok nga namin si Nova bukas kasi pag pinaglihian ka daw ng buntis dapat magpakita ka kinaumagahan kasi baka manghina ka. Nagcom din kami sa ICT kanina. Mamimiss ko ang room na yun, sobra. Marami-rami din ang gastos dun eh, mga 1200 din, hindi pa kasama ang printing.

Nagboblog na din ako kanina sa ICT, kaso pinalipat ako ng computer ni Ma'am Tonet kasi gagamitin niya yung computer. Ang gamit ko kasi yung may printer. Nawala tuloy yung tinatype ko. Hindi ko siya naipublish eh. Ang bagal kasi ng internet. Chinachat ka ni Nova bat hindi ka sumasagot? Hindi naman ako yun though idea ko yung sinabi niya. Sumagot ka ba nun at hindi lang namin nabasa dahil mabagal ang net? Pinakita ko itong blogsite na ito kina Mylene at Jasmin kanina sa ICT, nakita din ni Nova.

Pizza natin kanina yan Paps...
Sana dumating yung time na before tayo grumaduate ng high school maayos na tayo, tulad ng dati... just like before that awful Sunday morning... Sana kaibigan parin turing mo sa akin. Kanina kasi noong kasama mo sina Liberty at kasama ko naman sina Ate Carol hindi kayo lumalapit. Nung sumama ako kina Sheila Alyssa at Jasmin lumapit kayo. Bumigat loob ko nun. Siguro mas bibigat if kasama niyo si Nova. Sana hindi niyo ako pinag0uusapan. I'd rather you forget me for a while than talking about me behind my back. Mahal kita kaya baka hindi ko kayanin if ganunin mo ako. Sorry na talaga... gusto ko namang magsorry talga sayo ng harapan kaso nahihiya ako. Baka isnubin mo lang ako. Minsan kasi sinasabi mong OK ka lang kahit hindi.

Sorry na Paps... Mahal naman kita, patawad. Sinusubukan kong gumawa ng isang bagay na usual sa atin, kaso hindi parin sapat yun sayo. Napalapit na kayo sa akin, napalapit ka ng todo sa akin, napamahal ka ng todo sa akin, hindi ko kaya na ganito tayo. Sorry talaga, mahal kita. Mahal na mahal kita. Siguro sa mata nila simple lang ito o wala lang, pero siryoso ako. Mahal kita paps, Mahal kita Cheska!

Wednesday, March 23, 2011

March 24, 2011 ng Tanghali

Tapos na yung date natin nina Nova. Pero ang tahimik mo naman. Akala ko ako lang nakakaramdam ng panlalamig mo, pati pala si Nova, at hindi mo din sinasabi sa kanya kung bakit? Kahit man lang sana si Nova lang kinausap mo or something, kahit hindi mo na ako pinansin okay lang. Ayokong ganyan ka, matamlay. Gusto ko kahit yung parang baliw ka tulad ng dati, tulad nung nag-away kayo ni Ricaredo. Kahit weaird ka nun, mas gusto kong ganun ka.

Nung umalis ka kanina at iniwan kami dun kay Ma'am Tonet, bumalik si Nova. Inutusan niya kaming bumili ng food sa Mcdo. Kung hindi kami bibili hindi niya ibabalik yung clearance ni Mary Joy. Haha. Tapos pinaglilihian niya yung ilong ni Nova kahit malapit na ang kabuwanan niya. Pinapapasok nga namin si Nova bukas kasi pag pinaglihian ka daw ng buntis dapat magpakita ka kinaumagahan kasi baka manghina ka. Nagcom din kami sa ICT kanina. Mamimiss ko ang room na yun, sobra. Marami-rami din ang gastos dun eh, mga 1200 din, hindi pa kasama ang printing.

Nagboblog na din ako kanina sa ICT, kaso pinalipat ako ng computer ni Ma'am Tonet kasi gagamitin niya yung computer. Ang gamit ko kasi yung may printer. Nawala tuloy yung tinatype ko. Hindi ko siya naipublish eh. Ang bagal kasi ng internet. Chinachat ka ni Nova bat hindi ka sumasagot? Hindi naman ako yun though idea ko yung sinabi niya. Sumagot ka ba nun at hindi lang namin nabasa dahil mabagal ang net? Pinakita ko itong blogsite na ito kina Mylene at Jasmin kanina sa ICT, nakita din ni Nova.

Sana dumating yung time na before tayo grumaduate ng high school maayos na tayo, tulad ng dati... just like before that awful Sunday morning... Sana kaibigan parin turing mo sa akin. Kanina kasi noong kasama mo sina Liberty at kasama ko naman sina Ate Carol hindi kayo lumalapit. Nung sumama ako kina Sheila Alyssa at Jasmin lumapit kayo. Bumigat loob ko nun. Siguro mas bibigat if kasama niyo si Nova. Sana hindi niyo ako pinag0uusapan. I'd rather you forget me for a while than talking about me behind my back. Mahal kita kaya baka hindi ko kayanin if ganunin mo ako. Sorry na talaga... gusto ko namang magsorry talga sayo ng harapan kaso nahihiya ako. Baka isnubin mo lang ako. Minsan kasi sinasabi mong OK ka lang kahit hindi.

Sorry na Paps... Mahal naman kita, patawad. Sinusubukan kong gumawa ng isang bagay na usual sa atin, kaso hindi parin sapat yun sayo. Napalapit na kayo sa akin, napalapit ka ng todo sa akin, napamahal ka ng todo sa akin, hindi ko kaya na ganito tayo. Sorry talaga, mahal kita. Mahal na mahal kita. Siguro sa mata nila simple lang ito o wala lang, pero siryoso ako. Mahal kita paps, Mahal kita Cheska!

March 24, 2011 ng Tanghali

Tapos na yung pinakahihintay nating pagkain sa 3M. Kaso ang tahimik mo naman. Nakakainis. Si Nova nalang tuloy ang kinakausap ko. Kung ilang ka pa, okay lang.

Nung umalis ka kaninang tanghali, alam mo bang inutusan pa kami ni Ma'am Tonet na bumili ng pagkain sa Mcdo. Haha. Buti nalang wala ka.

Pinilit kong kumain kanina kahit masakit yung singaw, sugat at bagong bunot na ngipin ko. Ang tagal nating pinagplanuhan itong moment na ito eh. Hindi ko lang naimagine na ganito na tayo ngayon. Nakakalungkot, nanghihinayang ako. Ito nanaman yung mga moments na gusto kong gawin yung formal theme kay Ma'am Sol na "Time if only I could hold you," sana makabawi ako Paps. Gustong gusto kitang kausapin, gustong-gusto kong magsorry ng personal at hindi lang sa Facebook at sa Tumblr o dito sa blog na hindi mo naman alam na

March 24, 2011 ng Umaga

Tayong dalawa dapat nandiyan, kaso hindi ko naisama ang mukha
ko while holding the camera. Inaasar ko tong ngiti mo, pero
ang ganda mo diyan,
Paps, date na nating 3 mamaya. Hehe. Sana dumating yung point sa life nating tayong 2 lang magdedate. Haha. Sige mangarap pa ako. Excited na ako. Medyo masakit pa tong mga sugat ko sa bibig pero kakayanin ko para sa iyo. Ikaw ang inisip ko habang nagpapabunot ako eh. Para sayo ang pagbabagong gagawin ko, at sa akin na din.

Nagtutumblr ako bigla ka nalang sumulpot. Hehe. Tignan mo, tumblr buddies talaga tayo, kung kelan ako magtutumblr dun ka din magtatumblr. Kinikilig naman ako. Wah! Darating ang araw Paps na sabay tayong magtutumblr ng magkatabi at magtatawanan... sana sa araw na yon, tayo na...

Ang drama, basa excited ako para sa 3M mamaya.

Kagabi pala, nanaginip ako. Katabi ko daw ang bangkay ng Lola ko. Sa panaginip ko kamamatay lang niya, pero sa totoo namatay siya before pa tayo mag grade six. Tapos bigla siyang nabuhay. Sinabi ko sa parents ko kaso parang wala lang sa kanila, then binalikan ko yung bangkay ng lola ko. Nagulat ako't kaharap nila ang Laptop ko. Tapos nagising na ako. Hindi ko pa nasasabi sa parents ko, may gusto kayang iparating ang lola ko? Ano naman yun? Wag kong ipapadala sa ate ko ang laptop ko pag-akyat niya ng Baguio? hmm... Hindi ko alam ang sagot Paps.

Six days Paps... Six days nalang at wala na talaga. Pero kung isasama mo ang weekends, eh di 8 days pa. I'm Here To Stay Paps... I'm Here to Stay for you... Mahal Kita, Sobra.

March 23, 2011 ng Gabi

Nakakainis Paps! Puro Charles ang sigaw ng Mama at Ate ko dito sa bahay. Ayusin ko daw yung pagprint ng printer, bakit daw ano yung lumalabas sa monitor, bakit nagrereinstall yung software... naiinis ako paps. Magaling nga ako sa mga computer, pero hindi ako troubleshooter at lalong hindi technician ng computer!

Kanina pa ako naiinis actually. Nag-umpisa yun nung nag-oorder ako ng damit sa Boardwalk at sa MSE. Napakacontrabida ng ate ko. Pera ko naman ang gagastusin ko hindi kanya! Malapit ko nang mabatukan yang ate ko. Grrr.

Hay, tapos kinokontra pa niya yung mga gusto kong gawin like yung paglabas namin ng Jharilie-Anne Cargeles Cayte Bang sa Friday night! Naku-naku! Inopen pa niya yung may nasagasaan sa PSU. As if naman tatanga tanga akong hindi ko alam tumawid. Basta gusto kong pumunta. Gusto kong gumimik din kahit once lang. Last chance na ito eh.

Sa Lyceum, sayang hindi ako sumama... ako sana ang
photographe mo that day
Sabay sabay pa ang sakit sa loob ng bunganga ko. Nahihirapan na nga akong kumain dahil sa bagong bunot kong ngipin, then may tatlong singaw pa sa loob ng bunganga ko. Nakakainis. Paano ako makakakain sa date nating tatlo bukas? Huhu. Masakit talaga lalo na yung singaw ko eh. Pero parang naprick na siya, kaya sana gumaling na siya bukas! I'll pray!

Magrereblog din sana ako sa Tumblr kanina, kaso nakita ko nagrereblog ka. Hindi ko na itinuloy kasi baka mailang ka at tumigil sa pagrereblog. Ganun ka kasi eh. Naiinis tuloy ako. Hihitayin nalang kitang matapos tapos ako na din. Lagi nalang pag naiisip kong magtumblr eh nagtatumblr ka din. Bakit kaya? Hmm... Destiny! Hehe!

Good night na nga, bababa muna ako. Good night Paps.

March 23, 2011 ng Gabi

Nakakainis Paps! Puro Charles ang sigaw ng Mama at Ate ko dito sa bahay. Ayusin ko daw yung pagprint ng printer, bakit daw ano yung lumalabas sa monitor, bakit nagrereinstall yung software... naiinis ako paps. Magaling nga ako sa mga computer, pero hindi ako troubleshooter at lalong hindi technician ng computer!

Kanina pa ako naiinis actually. Nag-umpisa yun nung nag-oorder ako ng damit sa Boardwalk at sa MSE. Napakacontrabida ng ate ko. Pera ko naman ang gagastusin ko hindi kanya! Malapit ko nang mabatukan yang ate ko. Grrr.

Hay, tapos kinokontra pa niya yung mga gusto kong gawin like yung paglabas namin ng Jharilie-Anne Cargeles Cayte Bang sa Friday night! Naku-naku! Inopen pa niya yung may nasagasaan sa PSU. As if naman tatanga tanga akong hindi ko alam tumawid. Basta gusto kong pumunta. Gusto kong gumimik din kahit once lang. Last chance na ito eh.

Sabay sabay pa ang sakit sa loob ng bunganga ko. Nahihirapan na nga akong kumain dahil sa bagong bunot kong ngipin, then may tatlong singaw pa sa loob ng bunganga ko. Nakakainis. Paano ako makakakain sa date nating tatlo bukas? Huhu. Masakit talaga lalo na yung singaw ko eh. Pero parang naprick na siya, kaya sana gumaling na siya bukas! I'll pray!

Magrereblog din sana ako sa Tumblr kanina, kaso nakita ko nagrereblog ka. Hindi ko na itinuloy kasi baka mailang ka at tumigil sa pagrereblog. Ganun ka kasi eh. Naiinis tuloy ako. Hihitayin nalang kitang matapos tapos ako na din.

Tuesday, March 22, 2011

March 23, 2011

tagal na ng photo na ito sa akin
Nagkaayos na din tayo. Salamat at pinatawad mo ako. Pero bakit hindi ka parin namamansin kanina? Sa Facebook mo lang ako pinapansin. Hayz. Bukas may date tayong tatlo nina Nova, akala ko nakalimutan mo na yung matagal na nating plano na kumain sa 3M. Alam mo bang tuwang-tuwa ako kaninang umaga dahil nakipagchat ka sa akin, ang saya ko. Pero nadisappoint ako sa PSU kanina kasi hindi mo ako tinignan at hindi mo ako pinansin. Ganun din noong pauwi ka na. Bakit ka sumasama kina Justine? Bitch yung si Justine, kung si Liberty ang sinasamahan mo okay lang, okay din if so Jefferlyn. Wag ka lang makikinig sa Bitch na si Justine, sa mafeeling na si Vincent at kay Abed na minsan kunsintidor. Sulsolero ang mga iyan.

Kahapon, alam ko nadulas ka't kinausap mo ako, sabi mo "Naiyak ako diya Charles," noong inabot ni Mylene yung Paano na kaya. Napangiti ako nun. Yun nga napag-usapan namin nina Mylene at Jasmine. Hindi ko na itutuloy yung pagsasabi sayo ng feelings ko kahit alam mo na yung totoo, kasi medyo at stake ang friendship natin ngayon. Parang figurine na nasira na idinikit ng super glue, kaso hindi pa masiyadong dumidikit. Pang-ilang aberya na to na hindi ko masabi sayo? Lagi na lang. Nakakasawa na. Pero alam kong darating din tayo diyan. Siguro pag may lakas na ako ng loob liligawan din kita, pero yun ay kung libre ka na. Sana mahalin mo din ako sa panahong iyon. 7 days na lang at magkakahiwalay na naman tayo. Ayoko pa, pero kailangan. Mahal kita Paps.