Nakakainis Paps! Puro Charles ang sigaw ng Mama at Ate ko dito sa bahay. Ayusin ko daw yung pagprint ng printer, bakit daw ano yung lumalabas sa monitor, bakit nagrereinstall yung software... naiinis ako paps. Magaling nga ako sa mga computer, pero hindi ako troubleshooter at lalong hindi technician ng computer!
Kanina pa ako naiinis actually. Nag-umpisa yun nung nag-oorder ako ng damit sa Boardwalk at sa MSE. Napakacontrabida ng ate ko. Pera ko naman ang gagastusin ko hindi kanya! Malapit ko nang mabatukan yang ate ko. Grrr.
Hay, tapos kinokontra pa niya yung mga gusto kong gawin like yung paglabas namin ng Jharilie-Anne Cargeles Cayte Bang sa Friday night! Naku-naku! Inopen pa niya yung may nasagasaan sa PSU. As if naman tatanga tanga akong hindi ko alam tumawid. Basta gusto kong pumunta. Gusto kong gumimik din kahit once lang. Last chance na ito eh.
![]() |
| Sa Lyceum, sayang hindi ako sumama... ako sana ang photographe mo that day |
Sabay sabay pa ang sakit sa loob ng bunganga ko. Nahihirapan na nga akong kumain dahil sa bagong bunot kong ngipin, then may tatlong singaw pa sa loob ng bunganga ko. Nakakainis. Paano ako makakakain sa date nating tatlo bukas? Huhu. Masakit talaga lalo na yung singaw ko eh. Pero parang naprick na siya, kaya sana gumaling na siya bukas! I'll pray!
Magrereblog din sana ako sa Tumblr kanina, kaso nakita ko nagrereblog ka. Hindi ko na itinuloy kasi baka mailang ka at tumigil sa pagrereblog. Ganun ka kasi eh. Naiinis tuloy ako. Hihitayin nalang kitang matapos tapos ako na din. Lagi nalang pag naiisip kong magtumblr eh nagtatumblr ka din. Bakit kaya? Hmm... Destiny! Hehe!
Good night na nga, bababa muna ako. Good night Paps.

No comments:
Post a Comment