Wednesday, March 30, 2011

March 30, 2011 ng Gabi

Nakakapagod ang araw na to, natuloy na ang pagpapagupit ko. Hindi ko nakuha mga libro ko kay Carolyn, bakit kasi napakaburara niya.

Kanina, habang nagtutumblr ko, may narealize ako habang nababasa ko ang mga post doon. Kung hindi ko sasabihin sayo ng diretso na mahal kita, habang buhay kong iisipin at tatanungin sa sarili ko kung ano ang pwedeng mangyari. Pero alam ko naman ang ending eh, kahit hindi pa nangyayari. May boy friend ka, alam kong walang happy ending sa kwento nating ito. But at least kung gagawin ko wala akong pagsisisihan right? Pero paano ko uumpisahan, if inuunahan ako ng takot? Paano ko sasabihin sa yo ang totoo if hindi ka naman nakikinig, if may ilangang namumuo o nabuo sa pagitan natin. Sana pwede kitang kalimutan, sana makalimutan ko ang nakaraan ko para hindi kita maalala, para makalimutan ko ang sakit. Gusto kong magsimula ulit, pero hindi ko na magagawa yun. Mahal kita Cheska, it's hard to hold on to nothing.

Kung sasabihin ko sayo ang feelings ko sayo bukas, hindi ako magsisisi kung ano man ang reaction mo. Pero natatakot ako sayo, hindi ko alam if makikinig ka, natatakit ako sa sarili ko, hindi ko alam if masasabi ko ba. Minahal kita, mahal na mahal kita. Binago ko ang lahat ng kaya kong baguhin sa sarili ko dahil sayo. Pinilit kitang kalimutan pero hindi ko kaya, masiya do kitang mahal para ganun lang kalimutan. It will take a lifetime para makaget over ako sayo, ang my ending is near. I'll start over, without you. I want you to be there with me, pero hindi na, malayo na. Malabo na ang future na pinangarap ko, hindi na pwedeng tayo.

Pero mahal kita Paps. Pakatandaan mo, may puwang ka sa puso ko. Hindi ko makakalimutan ang isang babaeng minahal ko ng lubusan.

No comments:

Post a Comment