Gabi na Paps, may pasok pa bukas pero hindi pa ako natutulog. Bukas na din ang blowout ko. Sana talaga pumunta ka. Inaasahan kita. Lumiban na ang lahat wag lang ikaw, ikaw ang pinakamahalaga bukas. Ikaw Cheska. Medyo tense ako kasi hindi ko alam sasabihin nila dito sa house namin. Ano kaya papaoorin natin bukas? A Walk to Remember? Wala kasi yung CD ko ng Exorcism of Emily Rose at 300 eh. Boring naman sa umpisa ang Troy. Robots, napanood na natin yun.
Nagpabunot na ako, grabe ang sakit kanina, ngayon masakit parin kung lulunok ako. Hopefully bukas wala na. Sana lang. Pero Medyo nasasanay na ako na hindi ngumuya ng food. Maybe napadali kasi 70% ng dinner ko eh sabaw ng sinigang na isda. Lumulutang sa sabaw ang kanin para diretso lunok. Haha. Ayos lang sa akin ang pagtangal ng ngipin, kaso medyo mahirap, at ang ayoko eh yung pagsaksak ng anesthesia. Ayoko sa feeling ng tinutusok ng karayum ang gum ko eh. Sakit ng bagang ko ngayon. Parang mas masakit ito kesa dun sa last week. Mas madugo yata ngayon. Mahihirapan ako bukas, lalo na next week, haha! Sa harap naman ang matatangalan. Bakit kasi hindi ko inalagaan ang ngipin ko nung bata ako, yan, hirap ako ngayon. Pag nagkaanak na ako, hopefully 10 years from now of fifteen, tayo, hehe, pipilitin ko silang magtoothbrush gabi gabi at may regular dental check up para maalagaan ang teeth at hindi maexperience ko ngayon.
Alam mo kanina, nung tinatanggal ang ngipin ko, ikaw ang nasa isip ko. Ang mukha mo, pictures mo, moments nating magkasama. Siguro para kayanin ko na din ang pagpapabunot. Haha. Hirap na naman ako ngayon, pano pa kaya next week, round three ng pabunot. Haha. Para din naman sa akin ito eh. Kakayanin ko. Sandaling sacrifice din naman ito, pagkatapos I can eat all the foods I want, back to normal na. Pero pano magiging normal ang lahat gayong malapit na ang katapusan? Paps, natatakot ako. I'm afraid na baka magkalayo na tayo ng loob ng tuluyan at hindi na maisalba ang pagkakaibigan natin. Hindi mo lang alam kung gaano ko pinagsisisihan ang lahat ng iyon. Hindi ko kaya ang malayo sayo, kinaya ko noon, hindi ko lang alam if kakayanin kong muli. Sinanay mo akong nandiyan ka, sinanay mo akong kasama ka.
Darating ang panahon Paps, ang panahon kung kelan ready na ako, I'll pursue, not just my dreams, pero siyempre my feelings din sayo. Liligawan kita, at hindi ako titigil hanggat hindi nagiging tayo, at iingatan ko ang relationship natin at papakasal tayo. Alam ko bata pa tayo para isipin ko ang mga ganyang bagay, pero I've seen that day na since I was just a kid. Hehe.
Hindi pa ako nakapagtumblr today, tensed ako eh Papabunot again, tapos ginagawa ko pa yung invitation nina Mama sa graduation ko. Pupunta kaya dito bukas mga relatives ko? Malamang hindi. Dadalhin ko kaya ang mga pinsan ko? Siguro hindi na, baka ma-OP lang sila. Siyempre mahirap kayang mag-asikaso ng mga classmates. Lalo na't madami. Pero if ibibilin ng Mama ko, dadalhin ko na. Pinsan ko parin naman sila after all. Bukas busy na naman ako kasi itatype ko yung invitation ng coronation night nina Mama, at pati yung mga certificates ng mga kung sinu-sino na bisita nila sa graduation nila.
Keep Holding On na talaga ang graduation song natin? Ayoko. Ang daming mas nakakaiyak diyan at mas maganda, bakit yun pa? Epal kasi yung buwisit na Jahaciel na yun. Hay! Ang sarap dukutin ng mata niya. Bitch! Iuwi nalang siya ng mataba at mukhang addict niyang boy friend at ipangkuskos siya sa maitim niyang batok! I hate it!
Tulog na tayo Paps, maaga pa bukas. Ay, tutumblr muna ako.
No comments:
Post a Comment