| Sheila Alyssa Jacalne |
Billy Jake Doro |
Nung inabot sakin yung baso nina Clarissa, tumingin ako kay Mylene. Umiling siya, ayaw niya akong uminom. Concern lang siguro siya. But I still drank the alcohol, hindi naman ako tinamaan. Then nung pauwi na kami, nilakad namin hanggang Ataynan. Sa daan, loko sina Jesus, pumipitas sila ng Mangga, Bayabas at hilaw na bunga ng malunggay. Lakad kami ng lakad hanggang makahanap kami ng Tricycle na sasakyan.
Dumeretso kami sa Manambong, sa taas ako ng tricycle. Ang tagal kong hindi nadaanan yung papuntang Manambong, kahit diyan banda kina Ralph na malapit lang naman sa amin. Ang lamig sa daan, nakita ko din yung dating school where nagtuturo ang mama ko. Nakakamiss din pala ang school na yun. Nasaksihan nun ang paglaki ko. Sayang at hinding hindi na ako muling makatutungtung sa paaralang iyon. Napakaraming kwento doon ng buhay ko, mga experience, mga naging kaibigan, at iniukit na alaala. Kahit hindi ako studyante doon, o naging studyante doon, maraming alaala akong iniwan at iniukit sa mga kongkretong pader ng paaralang iyon. Walang masiyadong nagbago, mas malinis lang at may nadagdag na table at bench sa labas, at ang mga upuan sa maliit nilang quadrangle at naayo at napinturahan lahat. Nandoon parin ang mga buildings na naaalala ko. Nakakamiss, iyon parin ang paaralang naaalala ko na nakita, napuntahan, at pinaglagian ng ilang beses ng isang bata, batang ako.
Pagdating kina Michael, sinalubong kami agad ni Auntie Marlyn. Ang bait nila, naaalala talaga nila ako. Alam din nilang 1st time kong pumunta doon. Akala nga daw nila salbahe or suplado ako kaya hindi sila nakikipagchat sa akin. Pero tumawa lang kami kasi hindi naman ako ganoon. Nagvideo oke pa kami, makabagbag damdamin ang moment when Jonel sang "Go the Distance" hindi dahil ang ganda ng rendition niya, but dahil nga nadadala kami ng moment kasi 1 week nalang tayo. After few moments, umuwi din kami agad. Ihinatid kami ni Angelo kasama sina May Gwen, Erick at Paula. Ibinaba pa nila ako dito sa baba, very thoughtful, di ko na kailangang tumakbo sa madilim na daan pauwi.
Sana nagstay pa kami dun at nakipagsayawan pa. Ay nga pala, sa daan pauwi, imbes na idaan kami ni Angelo sa dinaanan namin, idinaan niya kami sa liblib na daan, tapos pinatay pa niya yung headlight eh very spooky kaya yung daan. Tinatakot ko pa nga sina Liberty nun eh. Ang saya promise, namiss niyo ang saya. Pero alam kong nag-enjoy ka sa kung saan ka man kanina. Hindi pa ako nakainom today ng antibiotic, eh dapat in one week 3 times a day akong iinom ng antibiotic.
Ang saya yet nakakapagod ang araw na ito. I swear. Sana lang kasama kita, nasa tabi ko at tumatawa kasama ko.
No comments:
Post a Comment